^

PSN Palaro

Saludar, Melligen huhusgahan ngayon

- ATan - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Maipapakita ngayong gabi ni Froilan Saludar ang angking bangis ng kamao sa pagharap laban kay Jose Alfredo Tirado para sa WBO Oriental flyweight title sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Handog ng Shape Up Boxing Gym promotions, ang ta­gisan ay itinakda sa huling laban at itataya rin ni Saludar ang malinis na 15-0 karta kasama ang 11 KOs.

“Naghanda ako nang husto sa labang ito at kung mabibigyan ng pagkakataon ay patutulugin ko siya,” wika ni Saludar na ang tanging mantsa sa karta ay ang tabla laban kay Brian Diano noong 2010.

Walang naging problema sa timbang ng dalawa dahil sa eksaktong 112-pounds tumimbang sina Saludar at Tirado sa weigh-in kahapon ng umaga sa Astrodome at pinangasiwaan ng Games and Amusement Board (GAB).

Sasalang din sina Mark Jason Melligen at Jerwin Ancajas laban sa mga dayuhang katunggali.

Si Melligen ay masusukat kay Sapapeth Sor Sakaorat ng Thailand habang si Ancajas ay masusukat kay Miguel Tamayo ng Mexico para sa WBO Asia Pacific Youth super flyweight title.

vuukle comment

ASIA PACIFIC YOUTH

BRIAN DIANO

CUNETA ASTRODOME

FROILAN SALUDAR

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

JERWIN ANCAJAS

JOSE ALFREDO TIRADO

MARK JASON MELLIGEN

MIGUEL TAMAYO

PASAY CITY

SALUDAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with