^

PSN Palaro

Team USA nanaig sa Lithuania

- The Philippine Star

LONDON – Hindi nagpunta ang mga Lithuanians sa venue para magpa-au­to­graph sa mga Americans.

Tinapatan ng Lithuania ang Team USA sa fourth quarter bago kumamada ang mga American sa dulo pa­ra sa kanilang 99-94 pa­nalo sa 30th Olympic Ga­mes.

Ito ang pang apat na sunod na panalo ng US, nanggaling sa isang 83-point win (156-73) kontra sa Nigeria.

Nahirapan ang US sa final canto bago kumayod si three-time Olympian LeBron James nang humugot ng siyam sa kanyang 20 points sa huling apat na mi­nuto.

Naungusan ng Lithu­ania (1-3) ang US ng dalawang puntos sa huling anim na minuto ng laro hanggang maglunsad ang nag­dedepensang kampeon ng isang 15-4 atake patungo sa kanilang panalo. 

Nagsalpak si James ng isang 3-pointer at isang dunk matapos ang agaw ni Chris Paul para selyuhan ang kanilang tagumpay.

Tumipa si Carmelo Anthony ng 20 points kasunod ang 16 ni Kevin Durant.

Susunod na makakalaban ng US ang Russia, nanalo sa Spain, 77-74. 

vuukle comment

CARMELO ANTHONY

CHRIS PAUL

KEVIN DURANT

LITHU

NAGSALPAK

NAHIRAPAN

NAUNGUSAN

OLYMPIC GA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with