^

PSN Palaro

Panalangin para sa Pinoy Olympians

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - The Philippine Star

Let the games begin.

Simula na bukas ng Olympic Games sa London. Simula na rin ng pagsisikap ng ating mga atleta na ma­­tupad ang pangarap natin na makakuha ng gintong medalya sa unang pagkakataon sa Olympics.

Napakahirap na magsabi kung sino sa ating mga at­le­ta ang makakatupad ng pangarap ng sambayang Pi­lipino.

Pawang mahuhusay ang ating mga atleta. At lahat din naman sila ay nag-ensayo ng matindi. Pero siyempre matitindi rin naman ang mga kalaban natin na mula sa mga pinakamahuhusay na bansang kasali.

Ang mga Pilipinong atleta na kasali sa Olympics ay sina Rachel Cabral dela Cruz archer at two-time Olym­pian Mark Javier, BMX rider Dannny Caluag, judoka To­mohiko Hoshina na nakabase sa Japan, Marestella Torres at Rene Herrera ng athletics; Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna sa swimming; Mark Anthony Barriga ng boxing; Brian Rosario ng shooting; at Hidilyn Diaz ng weightlifting.

Bitbit ng ating mga atleta ang ating panalangin na ma­ipakita ang husay ng mga Pilipino.

Inaasahan natin ang suporta ng buong bansa. Hindi ba’t ilang beses na nating napatunayan na kahit pa nagka­kaiba ng idelohiya at paniniwala, sa pamamagitan ng sports, nagkakaisa ang buong bansa. Panalangin natin na manatiling matibay ang loob ng ating mga atleta.

Para sa akin, ang maipakita lamang ng ating mga at­leta ang kanilang pinakamahusay na performance o kaya ay maiangat ang kanilang personal best ay maituturing na isang karangalan para sa ating bansa.

Inaasahan natin na sa mga sususnod na araw ay aangat na o nasa peak na ang ating mga atleta. Ang kinakailangan na lamang ay ipakita na nila ang kanilang pinakamahusay na laro. Payo lamang natin ay huwag magpa­dala sa pressure ang ating mga atleta at sa halip ang isi­pin ay nagdarasal at nasa likod nila ang buong Pilipinas.

Para sa akin, winners na ang ating mga atleta. 

vuukle comment

ATING

ATLETA

BRIAN ROSARIO

DANNNY CALUAG

HIDILYN DIAZ

INAASAHAN

JASMINE ALKHALDI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with