^

PSN Palaro

Muñoz talo kay Weidman sa UFC

- RMP - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa na namang mandirigmang Pilipino ang bu­magsak sa kamay ng isang hindi pa natatalong dayuhan sa laban.

Pero, sa pagkakataong ito, kapani-paniwala ang ta­gumpay.

Hindi tulad ng kon­trober­syal na panalo ng un­defea­ted na Amerikanong bok­singero na si Ti­mothy Bradley, Jr. laban sa Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao noong Hunyo, pinatunayan ni Ulti­mate Fighting Championship (UFC) middleweight Chris Weidman na siya ang tu­nay na kampeon laban kay Filipino Mark Muñoz sa kanilang laban noong Hul­yo 11.

Walang dudang si Weid­­man ang mas mahusay sa dalawa sa kanyang pag­­kaka-TKO kay Muñoz sa unang minuto at kalahati ng ikalawang round.

Ito ang kanyang pang li­mang sunod na panalo sa UFC.

Mayroon na siyang 9-0 record.

Inamin naman ni Muñoz, galing lamang sa ope­rasyon sa siko at injury sa mga daliri sa paa, na nasorpresa siya sa husay ni Weidman.  

AMERIKANONG BRADLEY CHRIS WEIDMAN FIGHTING CHAMPIONSHIP FILIPINO MARK MU HUL HUNYO INAMIN SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with