NLEX sa finals, Big Chill humirit pa
- Ni Angeline Tan () - June 6, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines – Umarangkada ang laro ng NLEX sa huling yugto upang makapasok na sa finals sa PBA D-League Foundation Cup sa pamamagitan ng 82-72 tagumpay sa Blackwater Sports sa semifinals kahapon sa San Juan Gym.

Isang puntos lamang ang ibinigay Road Warriors ang Elite sa unang anim na minuto ng fourth period upang lumayo sa 75-59 at kumpletuhin ang 2-0 sweep sa kanilang best of three series.

 “Maganda ang depensa sa second half. Pero taas noo kami sa Blackwater dahil kinailangan naming magtrabaho para makapasok sa finals,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez na nasa finals sa ikatlong sunod na conference.

 Samantala, bumangon si Alex Mallari mula sa masamang ipinakita sa unang tagisan upang pangunahan ang mainit na laro ng Big Chill tungo sa 111-70 pagdurog sa Cebuana Lhuillier sa ikalawang laro.

Nagtala lamang ng tatlong puntos bago napatalsik sa laro dala ng dalawang technical fouls, si Mallari ay gumawa ng 20 puntos ha­bang apat na iba pang kasamahan ay naghatid ng mahigit na 11 puntos upang itabla ang best of three series sa 1-1.

ALEX MALLARI BIG CHILL BLACKWATER SPORTS BOYET FERNANDEZ CEBUANA LHUILLIER D-LEAGUE FOUNDATION CUP ISANG MAGANDA ROAD WARRIORS SAN JUAN GYM
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with