Warriors nakauna na sa finals
- Ni ATan () - June 4, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Umabante na ang Indo­nesia Warriors sa finals sa 3rd ASEAN Basketball League (ABL) nang hiyain uli ang AirAsia Philippine Patriorts, 72-51, kahapon sa BritAma Arena sa Jakarta, Indonesia.

Tumipak ng 19 puntos at may 15 rebounds si Steve Thomas habang 16 puntos ang ibinigay ni Evan Brock para sa Warriors na tinapos ang best of three series sa 2-0 sweep.

“We’re confident. But we also needed a lot of hard work. We know how good the Patriorts team are and I take my hats off to them,” pahayag ni Warriors coach Todd Purvis.

Mula sa dikitang 16-13 iskor para sa Warriors ay bumigay ang Patriots nang makagawa lang ng anim na puntos para lumayo ang home team, 32-19.

Nakadikit pa naman ang Patriots sa 34-41 sa tres ni Al Vergara pero tinapos ng Warriors ang third period sa 8-2 palitan para ilayo uli sa 13 ang koponan, 49-36.

Tumapos lamang ang Patriots taglay ang 33% shooting sa 22 of 67 at napasama pa ang pana­nakit ng kanang binti si Anthony Johnson na gumawa lang ng 11 puntos.

AL VERGARA ANTHONY JOHNSON BASKETBALL LEAGUE EVAN BROCK INDO MULA NAKADIKIT PHILIPPINE PATRIORTS STEVE THOMAS TODD PURVIS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with