Salguero may misyon sa paghaharap nila ni Nietes
- Ni ATan () - June 1, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ibabangon ni Felipe Salguero ang puri ng mga Mexicano sa tagisan nila ni WBO light flyweight champion Donnie Nietes sa Sabado sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Sa pulong pambalitaan na ginawa kahapon sa Bayview Park Hotel sa Manila, sinabi niyang patutulugin niya si Nietes sa kanilang main event ng paboksing na inorganisa ng ALA Promotions at ABS-CBN Sports.

“I’m going to beat him,” wika ng Mexican challen-ger sa pamamagitan ng interpreter.

May 29 panalo sa 33 laban si Nietes at ang hu­ling nakalaban niya ay mga Mexican boxers na kinatampukan ni Ramon Garcia Hirales noong Oktu­bre na kanyang tinalo sa pamamagitan ng unanimous decision para agawin din ang WBO title.

“It was a doubtful decision,” wika ni Salguero na tila pagmamaliit sa bangis ni Nietes. Hindi naman tanggap ni Nietes ang tila pang-iinsulto ng kalaban at ipinangakong maipapakita ang pinakamabangis na laban sa gabi ng bakbakan.

“Malaki na ang ipinag-iba ng laro ko ngayon at iba na ako kumpara sa huling laban ko. Handa rin ako sa kahit anong laban ang ipakikita niya. Kahit umabot pa ng 12 rounds ay handa ako,” wika ni Nietes.

Ang iba pang bakbakan na mapapanood muna bago ang title fight ay sa pagitan nina Milan Melindo at Colombian Jesus Geles para sa WBO international flyweight title ng Filipino champion at Genesis Servania at Genaro Garcia ng Mexico para sa WBC international silver super bantamweight title.

BAYVIEW PARK HOTEL COLOMBIAN JESUS GELES DONNIE NIETES FELIPE SALGUERO GENARO GARCIA GENESIS SERVANIA MILAN MELINDO NEWPORT PERFORMING ARTS THEATER NIETES RAMON GARCIA HIRALES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with