4 team agawan sa Game 1
- Ni Angeline Tan () - May 31, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mahalagang 1-0 karta sa maigsing best of three series ang pag-aagawan ng apat na koponang nakatayo pa sa PBA D-League Foundation Cup.

Unang sasalang ang walang talong NLEX laban sa Blackwater Sports sa ganap na alas-2 ng hapon na susundan ng pagtutuos ng Big Chill at Cebuana Lhuillier dakong alas-4 sa pagsisimula ng Final Four ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Napahinga ang Road Warriors at Super Chargers ng isang linggo dahil dumiresto sila sa semis matapos pangunahan ang single round elimination.

Inaasahang nagamit ng mga koponang ito ang mahalagang bakasyon upang maipahinga ang sarili at mas mapaghandaan ang kani-kanilang serye.

Sa kabilang banda, ang Elite at Gems ay nasalang mula sa quarterfinals at tinalo ng una ang RnW Pacific Pipes, 76-69, habang 82-77 ang iniukit ng huli sa Cafe France.

Pagod man ay nagamit naman ng tropa nina coach Leo Isaac at Beaujing Acot ang nasabing tagisan para ilagay agad ang kanilang manlalaro sa magandang kondisyon na maaari nilang magamit para sa mahala­gang tagisan.

Ang mananalo sa la­­rong ito ay magkakaroon ng pagkakataon na wakasan na ang serye at umabante sa finals sa Game Two na lalaruin sa susunod na Martes.

BEAUJING ACOT BIG CHILL BLACKWATER SPORTS CAFE FRANCE CEBUANA LHUILLIER D-LEAGUE FOUNDATION CUP FINAL FOUR GAME TWO LEO ISAAC PACIFIC PIPES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with