Elite, Gems pasok na sa semis
- Ni ATan () - May 30, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagising ang Blackwater Sports sa second half upang pawiin ang di magandang panimula sa pagsungkit ng 76-69 panalo sa RnW Pacific Pipes sa idinaos na PBA D-League Foundation Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinapos din agad ng Cebuana Lhuillier ang kanilang serye ng Café France nang angkinin ang 82-77 panalo sa ikalawang laro.

Ibinigay ni Vic Manuel ang 80-67 kalamangan sa pagpasok ng huling dalawang minuto at sapat naman ito upang pawiin ang last minute na paghahabol ng Bakers at maipasok ang Gems sa semifinals.              

Ang jumper ni Jeric Fortuna ang tumapos sa 9-0 pagbubukas na run ng Elite sa ikatlong yugto na kanilang dinomina, 21-10, at ang naunang 38-39 iskor sa halftime ay naging 59-49 pabor sa nanalong koponan papasok sa huling 10 minuto ng labanan.

May 10 puntos, 7 rebounds at 3 assists mula sa bench si Fortuna upang suportahan si Robby Celiz na may 12 puntos. Si Kelly Nabong ay mayroong 12 rebounds upang isama sa kanyang 9 na puntos at ang Elite na pumang-apat sa eliminasyon ay umabante na sa semifinals.

BLACKWATER SPORTS CEBUANA LHUILLIER D-LEAGUE FOUNDATION CUP JERIC FORTUNA PACIFIC PIPES PASIG CITY ROBBY CELIZ SI KELLY NABONG VIC MANUEL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with