^

PSN Palaro

3rd win pakay ng Boosters, Elasto

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kapwa pupuntiryahin ng nagdedepensang Petron Blaze at Rain or Shine ang kanilang pangatlong sunod na panalo sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup.

Lalabanan ng Boosters ang Talk ‘N Text Tropang Texters ngayong alas-7:30 ng gabi, habang sasagupain ng Elasto Painters ang Air21 Express sa alas-5:15 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Kasalukuyang magka­salo sa liderato ang Petron Blaze at Rain or Shine mula sa magkatulad nilang 2-0 baraha kasunod ang Barangay Ginebra (1-1), B-Meg (1-1), Alaska (1-1), Barako Bull (1-1), Air21 (1-1), Meralco (1-1), Talk ‘N Text (0-2) at Powerade (0-2).

 Nanggaling ang Boos­ters sa 101-88 panalo laban sa Meralco, samantalang nalasap naman ng Tropang Texters ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan sa mga kamay ng Express, 86-97, sa kabila ng pagbabalik nina Jimmy Alapag, Kelly Williams at Ryan Reyes.

Samantala, inaprubahan na kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagdadala ng Air21kay RJ Jazul sa Alaska bilang kapalit ni Eric Salamat at ang 2012 second round pick ng Aces.

Si Salamat ay miyembro ng Ateneo Blue Eagles na kumuha ng tatlong sunod na kampeonato sa UAAP sa ilalim ni coach Norman Black.

Pinakawalan naman ng Barako Bull ang beteranong point guard na si Wynne Arboleda kasabay ng paglalagay kay Lou Gatumbato sa kanilang active roster.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAINTERS

ERIC SALAMAT

GOVERNORS CUP

JIMMY ALAPAG

KELLY WILLIAMS

PETRON BLAZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with