^

PSN Palaro

Petron sumalo sa unahan

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang nagdedepensang Petron Blaze matapos talunin ang Meralco, 101-88, para makisalo sa liderato sa 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Umiskor si import Eddie Basden ng 24 points, habang nagdagdag ang nagbabalik na si Jay Wa-shington ng 19 kasunod ang 16 ni Alex Cabagnot, 12 ni Arwind Santos at 11 ni Denok Miranda para pantayan ng Boosters ang 2-0 baraha ng Rain or Shine Elasto Painters.

“The players already know their roles. Medyo nagkakaintindihan na sila,” ani Petron guru Ato Agustin.

Matapos magtabla sa halftime, 42-42, kumawala ang Boosters sa third period upang iwanan ang Bolts, may 1-1 record nga­yon, sa 72-64.

Mula rito ay hindi na nilingon ng Petron, nangga­ling sa 97-83 paggupo sa Powerade noong Mayo 20, ang Meralco, nakahugot ng 24 points kay balik-import Champ Oguchi, 19 kay Asi Taulava at 17 kay Sol Mercado.

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Talk ‘N Text (0-1) at ang Air21 (0-1) ha­­­bang isinusulat ito.   

ALEX CABAGNOT

ANTIPOLO CITY

ARWIND SANTOS

ASI TAULAVA

ATO AGUSTIN

CHAMP OGUCHI

DENOK MIRANDA

EDDIE BASDEN

GOVERNORS CUP

JAY WA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with