La Salle, Letran nakalusot

MANILA, Philippines - Tumapos si Norbert Torres ng 20 puntos at wa­long rebounds upang igiya ang De La Salle U sa 75-67 pa­nalo laban sa Perpetual Help sa FilOil Flying V preseason Hanes Cup sa Arena sa San Juan kahapon.

Ang panalo ay ikaapat ng La Salle sa anim na laro na naglagay sa kanila sa ikatlong puwesto sa 4-2 baraha katabla ang Letran na nakalusot naman sa Mapua, 79-55 sa isa pang laro.

Kumawala ang Archers sa kaagahan ng final canto matapos magbaba ng 11-2 run upang iposte ang 71-60 lamang na hindi na binitiwan pa ng La Salle.

Tumapos si Mark Cruz ng 27 puntos, 20 nito ay kanyang ginawa sa third period para sa Letran.

Show comments