Twice-to-beat sinakmal ng Elite
- Ni Angeline Tan () - May 23, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sumandal sa mga sco­ring guards ang Blackwater Sports upang angkinin ang 96-65 panalo sa Café France sa idinaos na PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Treston gym sa Taguig City.

May 20 puntos si Clark Bautista mula sa bench habang ang dati niyang ka­kampi sa UST na si Je­ric Fortuna ay may 12 puntos para sa Elite na tinapos ang elimination round tangan ang 6-3 karta tungo sa pag­tangan din ng twice-to- beat advantage sa quartes.

 Sa first half ay naghatid na si Bautista ng 12 puntos mula sa 4 of 4 shooting sa 3-point line para ilayo ang Elite sa 53-36 sa halftime.

May 18 puntos si Euligio Lamosa para sa Bakers na tinapos ang single round elimination tangan ang magkasunod na pagkatalo tungo sa 3-6 baraha.

Dahil dito, nalalagay sa peligro ang asam na ikaanim at huling puwesto na uusad sa quarterfinals bunga ng pagbagsak nila sa ikawalo at siyam na puwesto kasama ang Junior Powerade.

BAUTISTA BLACKWATER SPORTS CLARK BAUTISTA D-LEAGUE FOUNDATION CUP DAHIL EULIGIO LAMOSA FORTUNA JE JUNIOR POWERADE TAGUIG CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with