Gems magpipilit manalo para sa huling semis slot
- Ni ATan () - May 22, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bubuhayin pa ng Cebuana Lhuillier ang laban para sa ikalawa at hu­ling puwesto na aabante sa semifinals sa PBA D-Lea­gue Foundation Cup sa pag-asinta ng panalo laban sa Erase Plantcenta ngayon sa Treston Gym sa Taguig City.

Kasalukuyang kasos­yo ang Gems sa ikalawang puwesto sa pahingang Big Chill sa 6-2 karta.

Ang laro ay itinakda da­­kong alas-4 ng hapon at kung magwagi ang Gems, kailangan pa rin nilang manalangin na matalo ang Super Chargers sa kanilang huling laro laban sa RnW Pacific Pipes sa Huwebes upang makuha ang insentibo.

Kung magkatabla ang Gems at Super Chargers sa ikalawang puwesto, ang huli ang aabante kasama ng NLEX dahil sa 68-52 panalo sa tagisan sa elims.

“Wala na sa aming mga kamay ang pagkuha sa insentibo pero pinagtutuunan namin na manalo para magkaroon ng magandang pagtatapos ang kampanya sa elimination round. Kung sakaling makuha namin ang outright semis, bonus na ito sa amin,” wika ni Gems coach Beaujing Acot.

Galing ang Gems sa 90-64 pagdurog sa Junior Powerade Tigers kaya’t mataas ang kanilang morale papasok sa laban sa Erasers na dumanas ng 69-106 pagkadurog sa kamay ng Big Chill sa huling asignatura.

Samantala, tatangkain ng Café France na kunin na ang ikaanim at huling puwesto sa quarterfinals sa laro nila ng Blackwater Sports sa alas-2.

BIG CHILL BLACKWATER SPORTS CEBUANA LHUILLIER ERASE PLANTCENTA FOUNDATION CUP JUNIOR POWERADE TIGERS PACIFIC PIPES SUPER CHARGERS TAGUIG CITY TRESTON GYM
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with