Ph jins babanderahan ni Morisson sa WUG
- Ni Angeline Tan () - May 19, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni 2011 World University Games silver medalist Samuel Morrison ang laban ng 17-taekwondo jins ng bansa sa 2012 World University Games sa Pocheong, Korea.

Ang kompetisyon ay itinakda mula Mayo 25-30 at ang koponang ilalahok ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ay tiwalang makakasabay sa bigating katunggali sa sparring at poomsae events.

Si Morrison na lalaro sa featherweight division ang natatanging manlalaro ng Pilipinas na nanalo ng medalya sa 2011 WUG na ginawa sa Shenzhen, China.

Bukod kina Morrison, Dela Cruz at Zafra na lalaro naman sa welterweight at featherweight divisions, ang iba pang kasama ay sina Erick Bunda (finweight), Justin Medina (flyweight), Paul Romero (bantamweight), Kris Yu (middleweight) at Ron Servito (lightweight) sa kalalakihan at Anjelay Pelaez (finweight), Max Mora (flyweight), Karla Alava (bantam), Jane Narra (welterweight) at Elaine Alora (middleweight) sa kababaihan.

Sina Dela Cruz at Alora ay sariwa naman sa pag­hablot ng bronze medals sa idinaos na Asian Taek­wondo Championships sa Vietnam kamakailan kaya’t inaasahang may sapat pang lakas para sorpresahin ang mga makakatapat.

         

ANJELAY PELAEZ ASIAN TAEK DELA CRUZ ELAINE ALORA ERICK BUNDA JANE NARRA JUSTIN MEDINA KARLA ALAVA KRIS YU WORLD UNIVERSITY GAMES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with