Lady Stags hihirit ng panalo
- Ni Angeline Tan () - May 17, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ilagay ang sarili sa mas kumportableng puwesto ang balak ng San Sebastian sa pagbabalik-laro nga­yon ng 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

Sa ikalawang laro sa triple-header game sa alas-4 ng hapon sasalang ang Lady Stags kontra sa wala pang talo at nagdedepensang kam­peon na Ateneo Lady Eagles.

Kasalukuyang may 2-1 karta ang Lady Stags pero kung makaisa sila sa Lady Eagles ay makakasalo sila sa NCAA champion Per­petual Help sa ikatlo at ikaapat na puwesto.

Bukod pa ito sa paglabo ng tsansa ng FEU, Adamson at kahit ang wala pang panalong National University na makahirit ng playoffs para sa ikaapat at huling puwesto na aabante sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

May 5-0 baraha ang Lady Eagles pero hindi na­wawala ang paghahangad nilang manalo upang mas gumanda ang momentum patungo sa mahalagang semis sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Unang sasalang sa hapong ito ang FEU laban sa talsik ng University of La Salle Bacolod sa ganap na ika-2 ng hapon habang ang huling labanan sa dakong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng NU at Adamson.

Masasabing knockout game ang tagisan sa pagitan ng Lady Bulldogs at Lady Falcons dahil ang dalawang koponan ay na­ngangailangan na walisin ang lahat ng nalalabing laro para magkaroon pa ng tsansa sa playoff sa ikaapat na puwesto. 

ADAMSON ATENEO LADY EAGLES LADY LADY BULLDOGS LADY EAGLES LADY FALCONS LADY STAGS NATIONAL UNIVERSITY SAN JUAN CITY SAN SEBASTIAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with