Blackwater sumampa na sa q'finals
- Ni Angeline Tan () - May 16, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Apat na manlalaro ng Blackwater Sports ang naghatid ng double digits score at ang koponan ay nakatikim uli ng panalo sa pamamagitan ng 106-82 panalo sa Cagayan Rising Suns sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa San Juan Gym.

May 18 puntos si AJ Mandani, habang si Kelly Nabong ay nagbigay ng 14 puntos, 16 rebounds, 7 assists, 2 steals at 1 block at ang mga inaasahang kamador ni coach Leo Isaac ay gumana upang tapusin ang dalawang sunod na ka­biguan at iakyat sa 5-3 ang kanilang baraha.

Dahil sa panalo, naha­wakan na ng Elite ang ikaapat na puwesto mula sa anim na koponan na aabante sa playoffs.

Sina Gio Ciriacruz ay may 14 puntos habang sina Jeric Fortuna at Clark Bautista ay tumapos taglay ang 14 at 11 para sa balanseng pag-atake.

May 25 puntos si Jason Melano para sa Suns na tinapos ang unang laro sa liga na hindi nakatikim ng isang panalo sa walong laro.

Sinorpresa naman ng Junior Powerade ang mas pinaborang RnW Pacific Pipes sa pamamagitan ng 87-79 overtime panalo sa ikalawang laro.

Patalo na ang Tigers nang hawakan ng Steel Masters ang 72-70 kalama-ngan may 6.7 segundo sa split sa free throw ni Barnett Rogado pero naispatan ni Mike Silungan sa ilalim si Claude Cubo para magtabla ang dalawa sa 72-all.

Tinapos naman ng Tigers ang limang sunod na kabiguan upang wakasan ang kampanya sa 3-6 ba-raha.

BARNETT ROGADO BLACKWATER SPORTS CAGAYAN RISING SUNS CLARK BAUTISTA CLAUDE CUBO D-LEAGUE FOUNDATION CUP JASON MELANO JERIC FORTUNA JUNIOR POWERADE KELLY NABONG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with