^

PSN Palaro

Patriots babalik sa porma

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Painitin ang tila nanlalamig na kampanya ang balak gawin ng AirAsia Phi­lippine Patriots sa pagharap sa Jobstreet.com Singapore Slingers sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May 14-5 karta ang Patriots pero laglag sila sa tatlo sa huling apat na laro upang tapusin na rin ang paghahabol para sa mahalagang number one seeding sa Playoffs na tangan na ng San Miguel Beer.

Sa ganap na alas-6 ng gabi itinakda ang bakba­kang handog ng PG Flex Linoleum at nananalig si Patriots coach Glen Capacio na babalik ang dating tikas ng koponan upang gu­manda uli ang takbo ng team papasok sa Playoffs.

Ang koponang tatapos sa number three matapos ang triple round elimination ang siyang kalaban ng Patriots sa best-of-three series at kahit may homecourt advantage ang kopo­nang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco, dapat ay magkaroon din sila ng winning momentum upang tapatan ang tiyak na inspiradong laro ng makakatunggali.

Yumukod ang Patriots sa Westports Malaysia Dragons sa huling laro na ginawa sa Ynares sa masakit na 93-97 overtime pagkatalo pero kumbinsido si Capacio na babangon ang kanyang mga alipores.

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

FLEX LINOLEUM

GLEN CAPACIO

HARBOUR CENTRE

MIKEE ROMERO

PASIG CITY

SAN MIGUEL BEER

SINGAPORE SLINGERS

TONY BOY COJUANGCO

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with