^

PSN Palaro

SMBeermen inangkin ang liderato

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nakamit din ng San Mi­guel Beermen ang liderato sa 3rd AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) nang du­rugin ang Chang Thailand Slammers, 103-76, ka­hapon sa Thai Japanese Asso­ciation Gym sa Bangkok, Thailand.

Umiskor ng hindi bababa sa 24 puntos ang Beermen sa bawat quarter at isi­nantabi ang mahinang pa­nimula na kung saan na­pag-iwanan sila sa 6-17 sa unang bahagi ng first pe­­riod patungo sa pagpoposte ng 14-4 record.

Si Nick Fazakas ay may­roong 22 puntos mula sa 10-of-18 fieldgoal shoo­ting bukod pa ang dala­wang tres, habang sina Chris Ban­chero at Leo Avenido ay may tig-15 puntos.

May 7 assists din si Ban­chero, samantalang si­na Duke Crews at Benedict Fer­nandez ay may 14 at 10 puntos, ayon sa pagka­kasunod, at ang tropa ni coach Bobby Ray Parks Sr. ay may apat na dikit na panalo para sapawan ang AirAsia Philippine Patriots ng kahalating laro (13-4) pa­ra sa No. 1 seeding ma­tapos ang triple round eli­mination.

May 20 puntos at 17 re­bounds si Calvin Williams pa­ra sa nagdedepensang kam­peon na Slammers, nag­laro lamang na may 10 players dahil ang iba ay may military training, na may 5-13 marka.

Huling nakalayo ang Slammers sa 21-13 bago rumatsada ang Beermen ng isang 13-5 run para tapusin ang unang 10 minuto ng laro sa 26-all.

vuukle comment

BEERMEN

BENEDICT FER

BOBBY RAY PARKS SR.

CALVIN WILLIAMS

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS BAN

DUKE CREWS

LEO AVENIDO

PHILIPPINE PATRIOTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with