^

PSN Palaro

Kings Kumakasa Pa

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa harap ng 10,674 manonood, hindi pinahintulutan ng Gin Kings na mawalis sila ng Llamados sa kanilang semifinals series.

Sa likod ng maiinit na mga kamay nina KG Ca­naleta, Mike Cortez at Jayjay Helterbrand sa fourth quarter, pinayukod ng Barangay Ginebra ang B-Meg, 88-79, sa mahalagang Ga­me Three ng kanilang semis showdown para sa 2012 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Puso na ito eh, kumbaga buhos na lahat dahil ‘yon ang kailangan naming gawin. Kasi sa two games na natalo kami sa kanila, talo kami sa reboundings eh. Sa rebounding, it is a manifestitation your willingness to win,” ani Ginebra coach Siot Tanquingcen.

Idinikit ng Gin Kings sa 1-2 ang kanilang best-of-five semifinals wars ng Llamados, hindi nagamit ang serbisyo ni defensive expert Marc Pingris matapos makuha ang kanyang ikalawang technical foul sa 10:29 ng second period kung saan sila naiwanan sa 12-19.

Ipinoste ng Ginebra ang isang 11-point lead, 23-12, sa 10:10 ng second quarter buhat sa basket ni Kerby Raymundo hanggang makalapit ang B-Meg sa 61-64 agwat sa 9:55 ng fourth period mula kay import Denzel Bowles.

Isang 14-4 atake naman ang ginamit ng Gin Kings, tampok dito ang tatlong magkasunod na three-point shots ni Cana­leta, upang itala ang isang 13-point advantage, 78-65, sa 7:02 nito.

Sumandig ang Llama­dos kina JC Intal, PJ Simon at Josh Urbiztondo para ihulog ang isang 9-0 bomba para sa kanilang 71-78 agwat sa 2:46 ng labanan.

Kumonekta naman si Mike Cortez ng isang jumper at 3-pointer para muling ilayo ang Ginebra sa 83-71 sa huling 2:12 nito   kasunod ang basket ni Joe Devance na naglagay sa B-Meg sa 73-83 pagbangon sa 1:43 nito.

Ang drive at isang 3-point play ni Helterbrand ang sumelyo sa panalo ng Gin Kings bitbit ang 88-73 bentahe sa natitirang 32.9 segundo.

“I guess that’s the first in my career and hopefully not the last,” sabi ni Cortez ukol sa una niyang triple-double sa PBA mula sa kanyang 17 points, 11 rebounds at 10 assists. 

Ginebra 88 - Canaleta 23, Cortez 17, Ababou 13, Helterbrand 12, Hatfield 9, Vroman 8, Labagala 3, Raymundo 3, J. Wilson 0, Mamaril 0.

B-Meg 79- Intal 18, Simon 15, Yap 14, Bowles 11, Urbiz_tondo 8, Devance 7, Reavis 6, Barroca 0, Burtscher 0, Villanueva 0, De Ocampo 0.

Quarters: 17-12, 37-37, 61-57, 88-79.

vuukle comment

B-MEG

BARANGAY GINEBRA

CUNETA ASTRODOME

DE OCAMPO

DENZEL BOWLES

GIN KINGS

GINEBRA

HELTERBRAND

INTAL

MIKE CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with