^

PSN Palaro

Fazekas sasandalan ng Beermen sa asam na playoff vs Dragons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipamamalas ni Nick Fa­zekas ang angking ga­ling sa pagsabak ngayon ng San Miguel Beermen laban sa Westports Malaysia Dra­gons sa pagpapatuloy ng 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) sa MABA gym sa Kuala Lum­pur, Malaysia.

Sa ganap na alas-3 ng ha­pon itinakda ang bakba­kan at ang Beermen ay magpupumilit na manalo upang pawiin ang tinamong 77-83 at 70-73 pagkatalo sa kamay ng Dragons.                                 

Matibay ang laban nga­yon ng tropa ni coach Bobby Parks Sr. dahil bukod sa problemado sa injuries sa ka­nilang mga imports ang Dragons ay nagpalakas pa ang Beermen sa paghugot sa 6’11 na si Fazekas na naghatid ng 30 puntos, 18 rebounds, 2 assists, 2.3 blocks at 1.1 steals sa pitong laro sa PBA suot ang uniporme ng Petron Blaze na sister team ng Beermen.

Si Crews ay nasa ikala­wang laro sa koponan at nagtala ng 11 puntos at 11 rebounds nang tulungan ang Beermen sa 71-69 panalo laban sa Indonesia Warriors sa huling laro.           

May 11-4 baraha ang Beermen at ang makukuhang panalo ay magtitiyak sa koponan sa playoff para sa semifinals na nauna nang naokupahan ng Air­Asia Philippine Patriots nang angkinin ang 84-78 panalo sa Bangkok Cobras para sa 13-2 baraha.

May 7-7 baraha ang Dra­gons na napilay dahil ng injuries kina Brian Williams at Tiras Wade na kahit nag-eensayo na ay hindi pa tiyak kung gagamitin sa labang ito.                  

Pero anuman ang ma­ging desisyon sa dalawang imports, tiniyak ni Filipino coach ng Dragons na si Ariel Vanguardia na gagawin nila ang lahat ng makakaya para makatatlong sunod sa expansion team mula Pilipinas.

vuukle comment

ARIEL VANGUARDIA

ASIA PHILIPPINE PATRIOTS

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BOBBY PARKS SR.

BRIAN WILLIAMS

DRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with