^

PSN Palaro

Alabang nagsosolo sa Baseball Philippines

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Napanatili ng Alabang Tigers ang kanilang porma upang makita ang sarili na nasa solo unang puwesto sa pagpapatuloy kahapon ng Season 9 ng Baseball Philippines sa Rizal Memorial Diamond.

Humugot ng puwer­sa ang Tigers sa relief pit­cher na si Carlos Laurel na nilimitahan lamang sa tatlong hits at isang runs ang Dumaguete Unibikers upang mabalewala ang 0-5 iskor matapos ang tatlo at kalahating innings at manalo sa 10-6.

Ang three-run double ni Amber Plaza ang nakatulong sa four runs na ginawa ng Unibikers sa top of the third inning para sa 5-0 kalamangan

Pero hindi na nakapor­ma ang Unibikers na nau­nang nanalo sa Cebu no­ong Sabado, habang ang mga kapatid ni Carlos na si­na Jay at Matt Laurel ay nag­sanib sa tatlong RBIs para katampukan ang 10 runs.

Natalo naman ang three-time defending cham­pion Manila Sharks kon­tra sa Cebu Dol­phins, 7-12, sa unang laro.

vuukle comment

ALABANG TIGERS

AMBER PLAZA

BASEBALL PHILIPPINES

CARLOS LAUREL

CEBU DOL

DUMAGUETE UNIBIKERS

MANILA SHARKS

MATT LAUREL

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with