^

PSN Palaro

Gimik ba ito ni pacquiao?

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Magreretiro ba o hindi?

Hindi naman sa minamadali natin si Manny Pacquiao. Kaya lamang ay nagtataka tayo kung bakit may tawad pa ang kanyang pagreretiro makaraang ‘ma­kausap’ niya ang Diyos.

Noong una kasi sabi ni Manny nakausap niya sa pa­naginip ang Diyos at sinabi na pinagreretiro na siya. Katuwiran ni Pacquiao na kanyang ipinahayag sa isang military graduation noong nakaraang linggo. “It’s not right that I share God’s word and at the same time hurt other people,”

“I’ve gained more than enough blessings these past years so I think it’s time for me to return the favor.”

Agad nag-alab ang mga reaksyon dito. Mara­ming nag­sabi na hindi pa dapat, may nagsabi naman na da­pat na.

Sa akin ay tama lamang at reasonable naman ang ka­tuwiran ni Pacquiao. Dahil sa siya ay nagtuturo ng sa­lita ng Diyos, tama lamang na sundin niya ang salita ng Diyos. Kumbaga, practice what your preach.

Paano nga naman siya paniniwalaan kung may ha­wak siyang Bibliya at nagtuturo ng salita ng Diyos, pero nang-uumbag at nanakit siya ng tao (kahit pa ito ay para sa sports.)

Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang sabihin ni Manny na ‘three fights pa,’

Ibig sabihin pinagbigyan pa siya ng Diyos ng ‘three fights’ bago magretiro.

Medyo may kabalintinuan yata ito.

Ang sabi kasi ni Manny, nang ‘makausap’ niya ang Diyos sa panaginip, sinabi nito na ayaw niyang manakit na ng kapwa tao. Pero bakit ganoon ang sabi niya ay ‘three fights pa.’ Ibig sabihin ba nito ay binigyan pa siya ng tatlong laban ng Diyos para ma­kapanakit ng kapwa.

Hindi ko yata makuha ang lohika.

Hindi ako ganoon ka-relihiyoso, pero sa pagkakaalam ko kung talagang sumusunod ka sa utos ng Di­yos, pag sinabi Niya na ‘tigil na,’ e di ‘tigil’ na.”

May mga nagsasabi kasi na gusto lamang ni Pacquiao ng publisidad, kasi nga sumasama ang kanyang imahe dahil sa mga balita tungkol sa paghahabol ng Bureau of Internal Revenue sa kanya. Sinasabi kasi ng BIR na hindi nagbabayad ng tamang buwis at sa tamang panahon si Pacquiao.

Katunayan ay nasa ‘watchlist’ nga siya ng BIR dahil sa hindi pagde­deklara ng mga tamang panalo, eh public official pa naman siya. Dapat siya ang unang sumunod sa tamang pagbabayad ng buwis, di ba?

Ano ang ibig sabihin nito…Gumigimik lamang si Pacquiao para malinis muli ang kanyang imahe.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DIYOS

IBIG

LSQUO

PACQUIAO

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with