^

PSN Palaro

Golden Boot Award iginawad kay Phil

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tumapos lamang sa pangatlong puwesto, may ipi­nag­mamalaki pa rin ang Philippine Azkals sa 2012 AFC Challenge Cup na nagwakas noong Martes sa Kathmandu, Nepal.

Sa hanay ng Azkals lumabas ang pinakamatinding scorer ng torneo dahil kay Phil Younghusband iginawad ang Golden Boot Award.

Ang award na ito ay para sa booter na may pinakama­raming goal na naipasok at si Younghusband ay naka­anim sa torneo.

Tinapos ng dating reserve player ng Chelsea ang ma­gandang ipinakita sa kompetisyon nang angkinin ang dalawa sa apat na goals ng Azkals tungo sa 4-3 panalo laban sa Palestine noong Martes para sa ikatlong puwesto.

Bago ito, si Younghusband ay nagparamdam sa mahalagang laro kontra sa India nang kunin ang dalawang goals para sa 2-0 panalo.

Sa laro kontra sa Tajikistan, ang striker ay may isa pang goal para igiya ang Pilipinas sa 2-1 tagumpay at naalpasan ng Azkals ang elimination sa 2-1 slate.

Ibinigay ni Younghusband ang maagang 1-0 iskor sa semis match kontra sa Turkmenistan pero nasayang ito dahil bumigay ang depensa ng Azkals at nagresulta ito sa dalawang goals ng Green Men sa huling 10 minuto ng tagisan upang itulak ang Azkals sa battle for third place.

Tinalo ni Younghusband ang pambatong manlalaro ng North Korea na si Park Nam Chol na hindi nakaiskor sa championship game laban sa Turkmenistan upang ma­kontento sa 3 goals.

Hindi man pinalad, dalawang tropeo rin ang nahawakan ni Park dahil napanatili ng Koreans ang kanilang dominasyon sa liga sa 2-1 tagumpay sa Turkmenistan habang ang nasabing booter ang lumabas bilang Most Valuable Player ng palaro.

vuukle comment

AZKALS

CHALLENGE CUP

GOLDEN BOOT AWARD

GREEN MEN

MOST VALUABLE PLAYER

NORTH KOREA

PARK NAM CHOL

PHIL YOUNGHUSBAND

TURKMENISTAN

YOUNGHUSBAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with