^

PSN Palaro

Patriots babalik sa porma vs Indons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magpapatatag pa sa kanilang puwesto sa itaas ng standings ang Air­Asia Philippine Patriots at San Miguel Beeermen sa pag­ha­rap nila sa magkahiwalay na laro sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) ngayong gabi.

Nasa The Mahara Squa­re sa Jakarta ang Patriots para sagupain ang Indonesia Warriors sa alas-6 ng gabi habang ang Beermen ay nasa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa ikalawang pagtutuos nila ng nagdedepensang Chang Thailand Slammers sa ganito ring oras.

Hanap ng koponang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco na makabangon matapos ang 66-68 kabiguan sa laro nila ng Beermen noong na­karaang Linggo para magwakas ang anim na sunod na panalo.

May 7-2 baraha ang Patriots at kailangan nilang manalo para mapanati­ling hawak ang liderato sa walong koponang liga.

 Tinalo ng Patriots ang Warriors sa unang pagtutuos, 86-73.

Itataya naman ng Beermen ang kanilang two-game winning streak sa pagbangga uli sa Slammers na kanila nang hiniya sa unang bakbakan, 68-59.     

vuukle comment

ASIA PHILIPPINE PATRIOTS

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHANG THAILAND SLAMMERS

HARBOUR CENTRE

INDONESIA WARRIORS

MIKEE ROMERO

NASA THE MAHARA SQUA

PASIG CITY

SAN MIGUEL BEEERMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with