^

PSN Palaro

Pangasinan handa na sa Palaro

-

LINGAYEN, Panga­sinan, Philippines --Handang-handa na ang provincial government para sa pamamahala sa darating na 2012 Palarong Pambansa.

Isang pulong ang idi­naos sa Special Natio­nal Management Com­mit­tee (ManCom) dito sa Sison Auditorium para sa 2012 Palarong Pambansa.

Nakatakda ang national event sa Mayo 6-12.

Ang darating na Pala­rong Pambansa ay pamamahalaan ng provincial go­vernment sa ilalim ni Gov. Amado Espino, Jr.

Humigit-kumulang sa 10,000 athletes at officials mula sa iba't ibang rehiyon ang lalahok sa 2012 Pala­rong Pambansa.

Kasalukuyan nang iniha­handa ang mga pla­ying venues kagaya ng Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) ay kasalukuyan ng ginagawa bukod pa sa pagpapaganda ng mga billeting areas at iba pang game venues sa Dagupan at San Carlos.

Ang NRSCC ang pinagdausan ng 1995 Palarong Pambansa.

vuukle comment

AMADO ESPINO

DAGUPAN

MANAGEMENT COM

NARCISO RAMOS SPORTS AND CIVIC CENTER

PALARONG PAMBANSA

PAMBANSA

SAN CARLOS

SHY

SISON AUDITORIUM

SPECIAL NATIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with