^

PSN Palaro

Sports sa 2012

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Kabubukas lamang ng 2012, pero heto at isang ma­­laking paputok na ang ating nasagap.

Sumasagitsit na balita ang ating narinig na hindi la­­mang reorganisasyon ang magaganap sa Philippine Sports Commission sa pagbubukas ng Bagong Taon, kung hindi posibleng “tanggalan blues” ang maganap.

Umaalingawngaw sa apat na sulok ng PSC, ang ma­­aaring pagpapatalsik sa isa o dalawang opisyal sa sports agency.

Una nang napapabalita ay si PSC Chairman Ritchie Garcia. Hindi kasi nagustuhan ng Malacañang ang per­for­mance ni Garcia bilang PSC chairman. Maraming atleta at maging empleyado ng PSC ang “restless” sa pamumuno ni Garcia. May mga atleta na nagsasabi na hindi nila nakukuha ang kinakailangan o ang nararapat na pondo mula sa PSC. Ang mga empleyado naman ay nagrereklamo na ang karamihan sa kanila ay nakakaranas ng diskriminasyon o kaya, mas worse, ay natanggal sa trabaho dahil sila ay nakuha noong panahon ng dating namumuno sa PSC.

 Ang napapabalitang papalit kay Garcia ay si Dudot Ja­worski. Kaya ngayon ay hindi na isang palaisipan pa kung bakit gusto ni Sen. Robert Jaworski, Sr. na mapatalsik si Garcia sa PSC.

Maaaring rookie o greenhorn itong si Dudot, pero hu­wag kayong magtaka kung isang araw ay makita ninyo na siyang nakapuwesto diyan. Aba eh, hindi ba’t related-in-law sila ni POC president Peping Cojuangco na uncle naman ni President Noynoy. Magkaka-related ‘yan.

Isa nga bang coincidence o pagkakaton lamang na ang pagbagsak ng performance ng ating bansa sa 2011 SEA Games sa Indonesia at iba pang internatio­nal events ay nagsimula noong 2005 -- ang taong si Co­ju­angco --a y naging pangulo ng POC.

Nang magsimulang mamumuno si Cojuangco no­on sa POC, marami ang nagtaas ng kilay at hanggang ngayon ay nag-iisip kung ano ang kredensyal ni Peping na mamuno sa isa sa pinakamataas na posisyon sa sports sa bansa. Ah, ang mga anak ay nag-represent nga pala sa bansa bilang equestrienne -- isang laro ng mga mayayaman.

Sana naman ay mag-isip ang ating Pangulo. Bigyan sana niya ng tugon ang nais ng mga atleta na magkaroon ng namumuno sa PSC na may puso at isip na para sa sports lamang, hindi ang politika.

Pero habang ganito ang estado ng Philippine sports na ang inuuna ay ang pulitika, walang kahihinatnan ang pagsasakripisyo ng ating mga atleta.

vuukle comment

BAGONG TAON

CHAIRMAN RITCHIE GARCIA

DUDOT JA

GARCIA

PEPING COJUANGCO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PSC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with