^

PSN Palaro

Azkals tinambakan ng LA Galaxy

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, magaang na tinalo ng Los Angeles Galaxy, kampeon sa nakaraang Major League Soccer Cup, ang Philippine Azkals, 6-1, sa kanilang friendly match kagabi sa Rizal Memorial Football Stadium sa Malate, Manila.

Umiskor ng dalawang goals sina Beckham at Mike Magee sa 20th at 38th minute para sa 2-0 lamang ng Galaxy bago ang koneksyon ni Phil Younghusband sa 41st minute para sa 2-1 agwat ng Galaxy bago ang halftime.

Binuksan ni Robbie Keane ang second half galing sa kanyang goal kasunod ang iskor ni Adam Chrisman upang ilayo ang Galaxy sa 4-1.

Itinapat naman ng Azkals sina Phil at James Younghusband, Rob Gier, Anton del Rosario, Manny Ott, Angel Guirado, Chieffy Caligdong, Chris Greatwich, Ed Sacapano, Jason Sabio at Ray Jonsson.

Bago labanan ang Azkals, nanggaling ang Galaxy sa Indonesia kung saan nila tinalo ang koponan nito, 1-0.

Matapos ang friendly match sa Azkals, nakatakdang magtungo ang LA Galaxy sa Melbourne, Australia.

Makakatapat nila ang Melborune Victory sa Disyembre 6 na idaraos sa Etihad Stadium para sa pagtatapos ng kanilang three-nation, Asia-Pacific tour. 

vuukle comment

ADAM CHRISMAN

ANGEL GUIRADO

AZKALS

CHIEFFY CALIGDONG

CHRIS GREATWICH

ED SACAPANO

ETIHAD STADIUM

JAMES YOUNGHUSBAND

JASON SABIO

LOS ANGELES GALAXY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with