Brgy. Pajo kampeon ng Handy Fix Super League

MANILA, Philippines - Tinalo ng Barangay Pa­jo ng Lapa-Lapu City ang Barangay Agdao ng Davao City, 98-91, upang angkinin ang 1st Handy Fix Super Lea­gue National Barangay Championship.

Naunang pinayukod ng Brgy. Pajo ang Luzon re­pre­­sentative na Barangay Ba­gumbayan ng Taguig, 102-88, sa crossover natio­nal semifinals.

Pumangatlo ang Ba­gum­bayan matapos igupo ang Barangay Dumlog ng Tal­isay, Cebu, 96-88, sa tor­ne­ong itinaguyod ng Sapal Elastic Sealant, Max! Bond Su­per Glue, Max! Masking Tape, Max! Electrical Tape, Metal Guard, Red Brake Fluid, Maxweld, Buildrite Cons­truction Chemicals at Unilab.

Tumanggap ang natio­nal champion ng P25,000, habang ang 1st run­ner-up ay binigyan ng P15,000, ang 2nd runner-up ay P10,000 at ang 3rd runner-up ay P5,000.

“This is just the opening charter of our novel project,” sa­bi ni Magna Prime GM Derrick Tan sa cage meet.

Show comments