Pormahan muna
LAS VEGAS - Sa pagsisimula ng kanilang World Press Tour sa Pilipinas, nagsuot si Juan Manuel Marquez ng t-shirt na may nakasulat na "We Were Robbed" patungkol sa sinasabi niyang dalawang panalo kay Manny Pacquiao.
Para kay Pacquiao, isa itong malaking insulto sa kanya.
"This fight is really important to me because there's that issue, the claims that he won the last two fights, and that's why I'm very motivated with my training," ani Pacquiao kahapon sa kanilang huling press conference bago ang banggaan nila sa Linggo dito sa MGM Grand Arena.
Sinabi ni Pacquiao na hindi na siya ang boksingerong nakalaban ni Marquez noong 2004 at 2008.
"I'm more improved right now, compared to three years ago, four years ago," sabi ni Pacquiao, nagbabandera ng 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 knockouts.
Mas malawak na umano ang kanyang eksperyensa matapos ang kanilang dalawang upakan ni Marquez.
"I'm more experienced, especially in my strategy and techniques. I'm more improved in throwing my right hand, my movement side to side, and my timing," wika ng Filipino world eight-division champion.
Itataya ng 32-anyos na si Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban sa 38-anyos na si Marquez, may bitbit na 53-5-1 (39 KOs) slate.
Aminado si Marquez na malaki na ang ipinagbago ni ‘Pacman’.
"Obviously he's changed over the years," wika ng Mexican, may tatlong titulo sa tatlong magkakaibang weight classes.
- Latest
- Trending