^

PSN Palaro

Capacio bagong coach ng Patriots

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ninombrahan si Glenn Capacio para siyang ma­ging head coach ng Air­Asia Philippine Patriots na la­laro sa ikatlong edisyon ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) na magbubu­kas sa Enero 14.

Si Capacio na dating assistant coach sa kopo­nang pag-aari nina Dr. Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco, ang hahalili kay Louie Alas na hindi na bumalik sa kanyang dating puwesto upang makapagpahinga.

Bago ang nominasyon, si Capacio ay umaakto rin bilang deputy ni coach Norman Black sa men’s basketball team na lalaro sa 26th SEA Games sa Indonesia.

“We believe Glenn can help us in our campaign to regain our title,” wika ni Romero.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ma­uupo bilang head coach si Capacio sa koponang pag-aari ni Romero dahil siya ang mentor nang nagkampeon ang Oracle Residences sa 2009 PBL conference para sa ika­pitong sunod na titulo ng prangkisa ng Harbour Cen­tre.

“Pinasasalamatan ko ang pagtitiwalang ibi­nibigay ng team owners. Pero kailangan ko ang pagtutulungan ng lahat lalo na ang mga players para magtagumpay kami,” wika ni Capacio na dati ring head coach ng FEU.

Inihayag naman ni team manager Erick Arejola na patuloy ang ginagawang paghahanap ng manlala­rong bubuo ng malakas na koponan at sina Marcy Arellano, Reed Juntilla, Jo­nathan Fernandez at Eddie Laure ang ilang PBA players na sumasama sa kanilang ensayo.

Kampeon ang Pa­triots sa unang edisyon ng ABL pero naisuko ang titulo nang matalo sa Chang Thailand Slammers.

Mas matindi ang laba­nan sa ikatlong edisyon dahil walong koponan na ang magtatagisan.

Ang San Miguel Beermen ng Pilipinas, Bangkok Holdings ng Thailand at Saigon Heat ng Vietnam ang tatlong bagong koponan na makikipag-agawan sa titulo laban sa mga regular na koponan na Patriots, Slammers, Singapore Slingers, Westport KL Dragons at Indonesia Warriors. 

vuukle comment

ANG SAN MIGUEL BEERMEN

ASIA PHILIPPINE PATRIOTS

BANGKOK HOLDINGS

BASKETBALL LEAGUE

CAPACIO

CHANG THAILAND SLAMMERS

DR. MIKEE ROMERO

EDDIE LAURE

ERICK AREJOLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with