^

PSN Palaro

Rivero lalaro na sa SEAG

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nakabangon na mula sa ACL injury ang two-time Olympian na si Toni Rivero.

 Tinamo ni Rivero ang injury noong naghahanda siya para sa 2010 Guangzhou Asian Games at nagtiis ng anim na buwan upang ma-rehabilitate ang kanyang kaliwang tuhod.

 “Six month ang ginawa niyang therapy at last April ay nagsimula na siya ng biking at threadmill. Noong June ay nagsimula na siyang sumipa at ngayon ay kasama na siya sa trai­ning na parang hindi siya nagkaroon ng ACL,” wika ni Philippine coach Rocky Samson nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.

Ang 23-anyos na si Ri­vero ay gold medalist sa 2005 Manila at 2009 Laos SEA Games sa welterweight division.

Pero sa gaganaping ak­syon sa Indonesia, si Rivero ay kakampanya sa mas mabigat na middleweight division.

Kasabay nito ay iniha­yag din ni Samson ang pag­lipat ng 30-kataong taekwondo team sa South Korea para sa dalawang linggong pagsasanay.

Maliban sa SEA Games ay naghahanda rin ang bansa sa Asian Olympic qualifying event na gagawin sa Bangkok, Thailand mula Nobyembre 4-6.   

vuukle comment

ASIAN OLYMPIC

GUANGZHOU ASIAN GAMES

KAMAYAN

KASABAY

NOONG JUNE

PADRE FAURA

RIVERO

ROCKY SAMSON

SOUTH KOREA

TONI RIVERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with