^

PSN Palaro

Eagles pinapaboran sa game 1 vs tamaraws ngayon

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Magsisimula ngayon ang klasikong tagisan sa pa­gitan ng Ateneo at FEU para sa 74th UAAP men’s basketball title sa Araneta Coliseum.

Ganap na alas-3 ng ha­pon itinakda ang pani­mulang aksyon sa best-of-three championship series sa pagitan ng Eagles at Tamaraws na siya ring nagtagisan sa kampeo­nato noong nakaraang taon.

Nangibabaw ang tropa ni coach Norman Black sa tropa na dating hawak ni coach Glenn Capacio sa pamamagitan ng 2-0 sweep upang mahablot ang ikatlong sunod na kam­peonato sa liga.

Paborito ngayon ang Eagles dahil sa paglakas ng kanilang puwersa dala ng pagdating ng 7-footer na si Greg Slaughter at ang mahusay na guard na si Kiefer Ravena upang isama sa mga beteranong sina Nico Salva, Emman Monfort at Kirk Long.

“Our advantage is our size since we have Greg who is the tallest player in this league. We will utilize him as much as we can. Still we are a balance team since Greg is willing to pass the ball when being double teamed,” wika ni Black.

Bukod sa malakas na starting five, may mga bench players siyang puwedeng sandalan para maghatid ng depensa upang bigyan ng panandaliang pahinga ang kanyang mga starters.

Kung may isang pagbabago naman na nangyari sa FEU sa taong ito, ito ay ang pag-upo uli sa bench ni Bert Flores.

Si Flores ang coach ng koponan nang nagkam­peon noong 2006 at na­ram­daman agad ang ma­gan­dang epekto ng kanyang pagbabalik matapos kalusin ng Tamaraws ng dalawang sunod ang se­cond seeds na Adamson.

“Narating namin ang Fi­nals kahit marami kaming injured players. Kailangan lamang na maging positibo kami at nakikita ko sa mga mata ng mga players na may gusto silang patuna­yan,” wika ni Flores.

Sina RR Garcia, Terrence Romeo, Aldrech Ra­mos, Cris Tolomia at Russel Escoto ang mga aasahan niya para makuha ang mahalagang panalo at lumapit ng isang hakbang tungo sa paghablot ng ika-20 kampeo­nato sa liga.  

vuukle comment

ALDRECH RA

ARANETA COLISEUM

BERT FLORES

CRIS TOLOMIA

EMMAN MONFORT

GLENN CAPACIO

GREG

GREG SLAUGHTER

KIEFER RAVENA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with