^

PSN Palaro

Micah-Parola bumabandera sa MBL

-

MANILA, Philippines - Nalusutan ng MICAH Medical Clinic-Parola Maritime ang 100plus, 96-95 upang masolo ang liderato sa paglista ng kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2011 MBL Corporate Cup basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Sumandig ang Micah sa pagkabayani ni Mark Lagrimas sa huling minuto ng sagupaan matapos kumulapso ang inilatag na 20-point lead sa panimula ng first quarter patungo sa final canto, at iselyo ang ikalawang sunod na panalo sa annual tournament na suportado ng Ironcon Buil­ders, Cebuana Lhuillier, WG Diner, PRC Couriers at Manila Sports Council.

Kumana si Lagrimas ng undergoal stab nang makawala sa kanyang bantay may 18 segundo na lang ang nalalabi sa laro.

Sa sumunod na play, tinangkang ipanalo ng da­ting San Beda-Alabang standout na si Champ Pu­jante ang laban ngunit sumablay ang kanyang pinakawalang tres kasabay ng pagtunog ng buzzer.

Micah-Parola 96--Caba­ngon 24, Lagrimas 18, Santiago 13, Simon 12, Laron 10, Rimando 6, M.Sanchez 6, Lazaro 2, Dela Cruz 2, Aqua­laful 2, S.Sanchez 2.

100plus (95) -- Pujante 22, Hasal 10, Tungcul 10, Balmaceda 8, Sonsona 8, Rivera 7, Scott 6, Divinagracia 6, Balgona 6, Gustillo 5, Yulo 4, Tan 2.

Quarterscores: 24-16, 52-36, 78-58, 96-95.

vuukle comment

CEBUANA LHUILLIER

CHAMP PU

CORPORATE CUP

DELA CRUZ

IRONCON BUIL

LAGRIMAS

MANILA SPORTS COUNCIL

MARK LAGRIMAS

MEDICAL CLINIC-PAROLA MARITIME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with