^

PSN Palaro

Caligdong 'di pa sumusuko

-

MANILA, Philippines - Hindi pa isinusuko ni Chieffy Caligdong ang laban para sa Pilipinas.

“Hindi pa tapos ang laban, may malaking chance pa tayo,” sabi ni Caligdong sa kabila ng 0-3 kabiguan ng Philippine Azkals sa Al Azraq ng Kuwait sa first leg.

“Makikita naman sa la­hat ng players na gustong manalo, gustong pu­munta sa next round,” sabi ng vete­ran Ilonggo na sadyang sumama ang loob matapos ang kanilang pagkatalo at walang kinausap na tao sa kanilang post-game din­ner diretso sa kanyang hotel room. 

Sa second leg na ida­raos sa Rizal Memorial Football Stadium, lumakas ang loob ni Caligdong na makakasabay ang Azkals laban sa Al-Azraq.

“Hindi kami nawawalan ng pag-asa sa home game. Kakayanin namin ang lahat, hindi lang para sa amin kundi para na rin sa lahat,” sabi ni Caligdong.

Inaasahan pa rin ni Ca­ligdong na gagawin ng Kuwait ang lahat para manalo.

Si Caligdong ang unang umiskor para sa Azkals sa kanilang panalo sa Mongolia noong Pebrero sa AFC Challenge Cup playoffs at kontra Sri Lanka sa first round ng FIFA World Cup Asian Qualifiers noong Hunyo.   

vuukle comment

AL AZRAQ

AZKALS

CALIGDONG

CHALLENGE CUP

CHIEFFY CALIGDONG

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

SI CALIGDONG

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with