^

PSN Palaro

Biado pasok sa last 16

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy ni Carlo Biado ang magandang ini­lalaro sa 2011 World 9-Ball Championship nang makaabante na siya sa Last 16 na ginaganap sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar.

Umabot sa hill hill ang tagisan nila ng kababayang si Lee Van Corteza at pina­lad si Biado na manalo sa ika-21st rack sa labanan sa Last 32.

Sunod na makakatapat ng manlalaro mula Bugsy Promotions na si Biado ay ang Japanese pool player Yukio Akakariyama na tinalo si Carlo Dalmatin, 11-8.

Dalawa pang Filipino pool players na sina Antonio Gabica at Vicenancio Tanio ay nakaalpas na rin sa Last 32 nang kalusin ang mga dayuhang kala­ban.

Si Gabica na 2006 Do­­­ha Asian Games gold me­­­dalist ay nanaig kay Naoyuki Oi ng Japan, 11-6, habang si Tanio ay pinagpahinga ang isa pang Hapon na si LI Wen Lo, 11-6.

Makakatapat ni Gabica sa Last 16 si Mark Grey na nalusutan si Chris Melling, 11-10, habang mabigat na kalaban ang kay Tanio sa katauhan ni Ralf Souquet na kinalos naman si Mariusz Skoneczny, 11-2.

Sina Francisco Bustamante, Dennis Orcollo, Ro­nato Alcano, Antonio Li­ning at Caneda Villamor ay lumalaban pa sa Last 32 para mamuro ang Pilipinas na madagdagan pa ang mga lahok sa Last 16.

Si Orcollo ay makakatapat si Villamor; si Bustamante ay makakasukatan si Riyan Setiawan, si Alca­no ay mapapalaban kay Raj Hundal at si Lining ay makakasukatan si Roman Hybler.

Namaalam naman na sina Allan Cuartero, Efren “Bata” Reyes, Joven Alva, Israel Rota, Jeff De Luna, Roberto Gomez at Raymund Faraon.

Si Cuartero ay nasibak kay Darren Appleton, 11-4, sa Last 32 habang si Reyes ay nabigo kay Vil­la­mor, 11-5; si Alva ay yumuko kay Chang Jun-lin, 11-5; si Rota ay natalo kay Chang Yu-lun, 11-9; si De Luna ay talo kay Fu Che Wei, 11-9; si Gomez ay pinagpahinga ni Daryl Peach,11-4 at si Faraon ay namaalam kay Stephan Cohen, 11-9 na lahat ay nangyari sa Last 64.

Halagang $250,000 ang premyong inilagay sa torneo at ang mananalo ay magbibitbit ng $36,000 gantimpala.

vuukle comment

AL SADD SPORTS CLUB

ALLAN CUARTERO

ANTONIO GABICA

ANTONIO LI

ASIAN GAMES

BALL CHAMPIONSHIP

BIADO

KAY

LAST

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with