^

PSN Palaro

Sharks sasagpangin ang No. 1 spot sa BP vs Tigers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Selyuhan ang magandang inilalaro sa Baseball Philippines Series VIII elimination ang hanap ng Manila Sharks sa pagpapatuloy ng kanilang suspendend game laban sa Alabang Tigers ngayon sa Clark Field Parade Grounds sa Pampanga.

Dakong alas-10 ng uma­ga gagawin ang laba­nan na magpapatuloy lamang sa naudlot na ta­gisan na nangyari nitong Mayo 8.

Lamang ang two-time defending champion Manila sa Alabang, 8-4, sa fifth inning nang bumuhos ang malakas na ulan para matigil ang sagupaan.

May 8-1 baraha ang Sharks sa ngayon at kung mananalo sila ay pormal na makukuha ang number one spot sa eliminasyon at makatapat ang number four team sa Final Four.

Pero kung masisilat sila ng Tigers na talsik na sa labanan sa semifi­nals, magkakaroon ng pagkaka­taon ang Cebu Dolphins na makuha pa ang unang puwesto kung manalo sila sa Dumaguete Unibikers sa ikalawang laro dakong ala-1 ng hapon.

May 7-2 karta ang Dolphins at kung manalo sila at matalo ang Sharks ay magtatabla sila sa 8-2 baraha.

Aangat ang Dolphins sa tuktok ng standings dahil sa mas mababang runs allowed sa kanilang head to head ng Sharks.

Ang Batangas (5-5) at Taguig (4-5) ang kukumpleto sa maglalaro sa Final Four.

vuukle comment

AANGAT

ALABANG TIGERS

ANG BATANGAS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

CEBU DOLPHINS

CLARK FIELD

DUMAGUETE UNIBIKERS

FINAL FOUR

MANILA SHARKS

PARADE GROUNDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with