^

PSN Palaro

Libis lumakas ang tsansa para sa QC slot sa NCR Championship

-

MANILA, Philippines - Pinalakas pa ng Libis ang paghahabol para ma­ging kinatawan ng Quezon City sa Inter-City phase sa 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship nang ma­nalo sa Masambong, 103-101.

Binalewala ng Libis ang 46-56 paghahabol sa halftime at 72-81 matapos ang ikatlong yugto nang magpasabog sila ng 31 pun­tos sa huling yugto habang pinosasan ang mga kamador ng kalaban gamit ang matibay na depensa sa larong ginawa sa Bernardo Park.

Sa iba pang laro, nanalo ang Commonwealth sa Kristong Hari, 87-76, sa Quezon City; ang Namayam ay nagdomina sa Hagdang Bato, 95-65, sa Mandaluyong; Bagumbayan sa North Signal, 116-55, sa Taguig; at Pinaglabanan sa Palatiw, 116-85, sa Pasig.

Ang laro ay iinit bukas sa pagsisimua ng Inter-City phase sa 10 magkakaibang lugar.

Ang labanan sa East ay sa pagitan ng Quezon City at Pateros sa ika-6 ng gabi sa Libis Covered Court sa Quezon City at Pasig laban sa Marikina sa alas-7 ng gabi sa Concepcion Uno sa Marikina.

Ang Caloocan ay lala­ban sa Navotas sa ika-6 ng gabi sa Navotas Sports Complex at ang Valenzuela ay sasagupa sa Malabon sa ika-7 ng gabi sa Hulong Duhat Covered Court sa Malabon sa North games.

Katatampukan ng labanan sa South ay ang Parañaque at Muntinlupa sa ika-4 ng hapon sa Area 1 sa Parañaque at Pasay at Las Piñas sa ika-6 ng gabi sa Pasay Sports Complex.

Ang Cainta ay sasagupa sa Antipolo sa labanan sa West sa alas-6 ng gabi sa San Roque sa Cainta habang ang Binangonan ay lalaban sa Taytay sa ika-6 ng gabi sa Ynares Plaza sa Binangonan.

May kabuuang P500,000 ang premyong paglalabanan sa torneong suportado ni JB Baylon, ang PBA Powerade Tigers governor at director ng Public Affairs & Communi­cations ng Coca Cola Export Corp.

Ang tatanghaling NCR champion ay magbibitbit ng P250,000.

vuukle comment

ANG CAINTA

ANG CALOOCAN

BERNARDO PARK

BINANGONAN

COCA COLA EXPORT CORP

COCA COLA HOOPLA

CONCEPCION UNO

GABI

HAGDANG BATO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with