^

PSN Palaro

Nangangamoy korona sa Talk N Text

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Isang panalo na lamang ang kailangan ng Tropang Texters para sa kanilang pang limang kampeonato.

Bumangon ang Talk ‘N Text mula sa isang 17-point deficit sa third period upang talunin ang Barangay Ginebra, 91-84, sa Game Four ng kanilang championship series para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Humugot si import Paul Harris ng 10 sa kanyang 26 points sa fourth quarter upang ihatid ang PLDT fran­chise sa matayog na 3-1 lamang sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Gin Kings.

“I came here in the PBA to win the championship, and that’s what I’m going to do,” sabi ni Harris, nalimita sa 3 points sa first half bago nagpasabog ng 23 markers sa second half.

Sa 27 pagkakataon na nakuha ng isang koponan ang malaking 3-1 lamang sa isang serye, 26 rito ang nagtuluy-tuloy sa pag-angkin sa kampeonato. At sa nakalipas namang limang PBA Finals, ang koponang natalo sa Game Three ang laging nagkakampeon sa serye.

Tanging ang Ginebra ang koponang nakaba­ngon mula sa isang 1-3 pagkakabaon matapos balikan ang Shell, 4-3, para angkinin ang 1991 First Conference.

Bago ito, kinuha ng Gin Kings ang isang 15-point advantage, 49-34, sa hu­ling 1:20 ng second period mula sa isang three-point play ni Mark Caguioa kay Kelly Williams patungo sa pinakamalaki nilang bentahe sa 17 puntos, 55-38 sa 10:40 ng third quarter buhat sa magkahiwalay na tres ni JC Intal bago nakalapit ang Tropang Texters sa pagpinid nito, 59-68.

Mula rito, isang 14-4 atake ang ginawa nina Harris, Jason Castro at Ranidel De Ocampo upang ibigay sa Talk ‘N Text ang unahan, 73-72 bentahe sa 8:14 ng final canto patungo sa 83-77 pag-iwan sa Ginebra sa huling 2:16.

Isang dating All-Star MVP, Finals MVP at two-time Mythical First Team member ang pinutungan kagabi bilang Best Player of the Conference ng 2011 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum .

Samantala, inangkin ni Talk ‘N Text team captain Jimmy Alapag ang nasabing Best Player of the Conference trophy, habang si Ginebra import Nate Brumfield na Best Import ng Conference.

Talk N’ Text 91 - Harris 26, Castro 16, Reyes 11, De Ocam­po 11, Alapag 11, Peek 8, Fonacier 4, Williams 2, Carey 2, Aban 0, Alvarez 0.

Ginebra 84 - Brumfield 15, Caguioa 15, Tubid 11, Miller 11, Cortez 10, Menk 8, Intal 6, Hatfield 6, Wilson W. 2.

Quarterscores: 20-23, 36-49, 59-68, 91-84.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BEST IMPORT

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

DE OCAM

GIN KINGS

GINEBRA

ISANG

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with