Pasig judge pinapa-inhibit
- Ni Angeline Tan () - April 6, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naghain kahapon ng Motion to Inhibit ang kampo ng Philippine Olympic Committee laban kay Pasig City Regional Trial Court Branch 265 judge Danilo Buenio na siyang may hawak ng kasong isinampa ni Go Teng Kok.

 Kahapon dapat sinimulan ang una sa dalawang pagdinig kung igagawad ba o hindi ang permanent injunction sa pagkilala ng POC sa isang grupo ng Philippine Karatedo Fede­ration (PKF) pero hindi nangyari ito dahil sa mosyong ipinasok ng abogado ng POC na sina Atty. Ramon Malinao at Atty. Percival Brigola.

Muntik pa ngang magkagulo sa loob ng sala nang mag-init ang ulo ni Atty. Sammy Estimo, ang legal counsel ni Go sa mga patutsada ni Atty. Brigola.

Tumagal lamang ng 30 minuto ang sesyon bago at tinapos ito ni Judge Buenio sa pagpapasumite kay Atty Estimo ng kanyang komen­to sa mosyong inihain ng karibal na grupo.

Nagreklamo si Go sa korte nang kilalanin ng POC si Joey Romasanta bilang lehitimong pangulo ng PKF.

ATTY ESTIMO DANILO BUENIO GO TENG KOK JOEY ROMASANTA JUDGE BUENIO PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH PERCIVAL BRIGOLA PHILIPPINE KARATEDO FEDE PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE RAMON MALINAO SAMMY ESTIMO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with