^

PSN Palaro

Pharex, NLEX mag-uunahan sa 2nd win

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Agawan sa ikalawang su­nod na panalo ang nakataya sa pag­haharap ng NLEX Road Warriors at Pharex sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa FEU Gym.

Ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang tagisan at tiyak na magiging mainitan ang labanan ng Road Warriors at Bidang Generix at ang mananalo ay solong hahawakan ang liderato sa Group A.

Bago ito ay magpapang-abot muna ang Maynilad Water Dragons at Max Bond Super Glue Sumos ganap na alas-2 ng hapon at pakay ng mga ito ang mahagip ang unang panalo sa liga.

Ikalawang laro na ito ng Water Dragons pero na­silat sila sa unang laro sa kamay ng Cobra Energy Drink, 70-78.

Tiyak na magsisikap na bumawi ang Maynilad na binubuo ng NCAA champion team na San Beda laban sa Max Bond na kakatawanin ng mga manlalaro ng UST at pinalakas sa paghugot kina ABL ve­terans Rudy Lingganay at Jun Cabatu. 

vuukle comment

AGAWAN

BIDANG GENERIX

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GROUP A

JUN CABATU

MAX BOND

MAX BOND SUPER GLUE SUMOS

ROAD WARRIORS

RUDY LINGGANAY

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with