Titulo sa BP Cup naidepensa ng CKSC

MANILA, Philippines - Matagumpay na naipagtanggol ng Chiang Kai Sek College ang kani­lang korona sa katatapos na 8th Baden Powell Cup basketball tournament matapos na durugin ang Philippine Cultural College, 80-70 at isubi ang kanilang ikatlong kampeonato na ginanap sa CKSC Gymanasium kamakailan.

Ito ang ikaanim na su­nod na titulo ng CKSC Bla­zing Dragons, hinahawakan ni coach Herbert Cuenca, sa BP Cup simula ng una sil­ang magkampeon noong 2006. Napiling MVP ng tor­neo si CKSC captain ball Kendrick Kyle S. Sy, ha­bang kasama naman sa mythical five selection si John Kenneth P. Padilla.

Show comments