^

PSN Palaro

So tinuhog ang French GM

-

MANILA, Philippines - Kinailangan lamang ni GM Wesley So ng isang panalo upang makuha ang pamatay na porma.

Matapos makuha ang unang panalo kay GM Surya Shekhar Ganguly ng India ay tinuhog pa ni So si French GM Laurent Fressinet sa sixth round upang umangat na sa ikatlong pu­westo ang pambato ng bansa sa idinadaos na 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championship sa de Morianne Commuity Center sa Wijk Ann Zee, Netherlands.

Isang magandang su­long sa 20th move na nagresulta upang magkapalitan sila ng piyesa ng kalaban na nauwi naman sa rook-pawn na pagtatapos.

Napilitan na mag-resign si Fressinet nang lumapit ang h-pawn ni So para ma­ging queen o kung pipigilan ay mawawala naman ang rook ng French GM.

Si Fressinet ang ikaapat GM na tinalo ni So na may mahigit na 2700 ELO ranking kasunod ni­na GM Vassily Ivanchuk ng Ukraine (ELO 2764), Ga­ta Kamsky ng US (ELO 2730) at GM Ni Hua ng China (ELO 2724).

Ang panalo ay nagbigay kay So ng kanyang ikaapat na puntos mula sa dalawang panalo at apat na tabla sa 13-round category 17 na torneo. 

vuukle comment

FRESSINET

LAURENT FRESSINET

MORIANNE COMMUITY CENTER

NI HUA

SI FRESSINET

SURYA SHEKHAR GANGULY

TATA STEEL-CORUS GROUP B

VASSILY IVANCHUK

WESLEY SO

WIJK ANN ZEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with