^

PSN Palaro

Jazz uminit sa Heat

-

MIAMI - Tumipa si Paul Millsap ng career-high 46 points, kasama na rito ang isang buzzer beater na nag­dala sa laro sa overtime, para igiya ang Utah Jazz sa 116-114 paglusot sa Miami Heat.

Isinalpak ni Francisco Elson ang dalawang freethrows sa natitirang 0.4 segundo upang burahin ng Utah ang isang 22-point deficit sa Miami.

Pinangunahan ni Dwyane Wade ang Heat mula sa kanyang 39 points, habang inilista naman ni LeBron James ang kanyang pang 29th career triple-double - 20 points, 14 assists at 11 rebounds. Ito ang unang home loss ng Miami.

Naimintis ng Heat ang kanilang limang tira sa hu­ling dalawang minuto sa overtime.

Nagtala si Deron Williams ng 21 points at 14 assists para sa Jazz, habang may 16 points naman si Andrei Kirilenko.

Sa Indianapolis, umis­kor si Mike Dunleavy ng 24 sa kanyang 31 points sa isang 54-point third period upang pamunuan ang 144-113 paglampaso ng Indiana Pacers sa Denver Nuggets.

Nagdagdag si Darren Collison ng 29 points para sa Pacers kasunod ang 20 ni Tyler Hansbrough at 19 ni Danny Granger.

Nagtala ang Indiana ng mga league season highs para sa points, field goals made at field-goal percentage.

Sa Newark, New Jersey, tumirada sina Antawn Jamison at Anthony Parker ng mga 3-pointers para sa Cleveland na nakahugot ng 52 points mula sa reserves patungo sa kanilang 93-91 panalo sa New Jersey Nets.

Kumabig si J.J. Hickson ng 18 points para sa Cavaliers, samantalang may tig-15 naman sina Ramon Sessions at Jamison kasunod ang 14 ni Daniel Gibson.

vuukle comment

ANDREI KIRILENKO

ANTAWN JAMISON

ANTHONY PARKER

DANIEL GIBSON

DANNY GRANGER

DARREN COLLISON

DENVER NUGGETS

DERON WILLIAMS

DWYANE WADE

POINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with