Barako ginitla ang Meralco

MANILA, Philippines - Kung isang defensive-minded si Bolts’ coach Ryan Gregorio, maituturing na ring isang defensive team ang mga Energy Boosters.

ito ay matapos limitahan ng dehadong Barako Bull ang paboritong Meralco sa siyam na puntos sa kabuuan ng fourth quarter patungo sa 74-68 panalo sa 2010-2011 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta As­trodome.

May 1-1 rekord ngayon ang Bolts ni Gregorio, tinalo ang Ginebra Gin Kings, 73-72, noong nakaraang Linggo, at ang Energy Boosters ni Junel Baculi.

Nanggaling ang Barako Bull sa 64-88 pagyukod sa Alaska sa kanilang unang laro.

“We learned our lessons from our previous game against Alaska. We didn’t show consistency in our game,” ani Baculi. “I told the players if we can play consistent defense, offense will follow.”

Si Reed Juntilla ang nagsalpak ng huling anim na puntos ng Energy Boos­ters na binuhat ni dating Ginebra shooter Sunday Salvacion sa kaagahan ng fourth period.

Tumapos si Salvacion na may game-high 21 points mula sa kanyang 5-of-7 shooting sa three-point range kasunod ang 13 at 11 nina Rob Wainwright at Juntilla, ayon sa pag­kakasunod.

Kinuha ng Meralco ang 59-53 pagpasok sa final canto kasunod ang tatlong sunod na tres ni Salvacion na bahagi ng 15-2 ratsada ng Barako Bull para itumpok ang kanilang 68-61 lamang sa 6:53 sa laro.

Sa ikalawang laro, tinalo ng Talk ‘N Text ang San Miguel, 97-83, para ilista ang kanilang 2-0 baraha kumpara sa 1-1 ng huli. 

Barako 74 - Salvacion 21, Wainwright 13, Juntilla 11, Isip 10, Thiele 8, Dimaunahan 4, Hubalde 3, Andaya 2, Misolas 2, Alonzo 0, Duncil 0, Cruz 0, Yee 0.

Meralco 68 - Cardona 19, Belga 13, Espinas 11, Taulava 9, Ross 6, Aquino 4, Weinstein 2, Escobal 2, Omolon 2, Aljamal 0, Daa 0.

Quarterscores: 18-18, 28-37, 53-59, 74-68.

Show comments