^

PSN Palaro

Atkins susi ng La Salle sa pagpigil sa FEU, nahirang UAAP Player of the Week

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Napasama ang sugat na naibigay ng FEU kay Simon Atkins nang ipakita nito ang kanyang puso upang mapangunahan ang koponan sa tagumpay na kinuha sa nangungunang FEU.

May 19 puntos si Atkins, 10 nito ay ga­ling sa huling yugto na kanyang ginawa kahit nakabandage ang kanyang kaliwang kilay dala ng pagkakatahi upang maisara ang putok na nagmula sa pag-uuntugan nila ni RR Garcia ng Tamaraws.

Ang sampung puntos, na nilakipan ng dalawang tres, ay mahigit ng isang puntos sa kabuuang iskor na ginawa ng Tamaraws sa huling yugto upang maiuwi ng Ar­chers ang 80-66 panalo nitong Sabado sa 73rd UAAP men’s basketball.

Masidhi ang paghahangad na manalo ng tropa ni coach Dindo Pumaren di lamang upang mapatindi ang paghahabol sa Final Four kungdi dahil nagmula ang koponan sa nakakapanlumong 57-74 pagkatalo sa Ateneo.

“Coach Dindo really challenged us that if we want to bounce back from that loss, we can bounce back strong by beating FEU which is the no. 1 team in the UAAP,” wika ni Atkins.

Dala ng kanyang kabayanihan, si Atkins ang hinirang bilang Accel-FilOil UAAP Player of the Week at tinalo niya pa­ra sa parangal na suportado rin ng Terrilicious at Gatorade ang Ateneo guard na si Ryan Buenafe.

Si Buenafe ay gumawa ng 14 puntos at 12 rebounds nang kunin ng Eagles ang 55-52 panalo sa Adamson para maipasok na ang sarili sa semifinals sa kanilang 9-3 baraha.

“I don’t want to let the team down. Even if I’m injured, I still wanted to play,” wika pa ni Atkins.

Ang panalo ay ikapito sa 11 laro ng Ar­chers at nananalig si Pumaren na na­iangat uli ng koponan ang kanilang morale sa pagharap nila sa huling tatlong asignatura laban sa UST, UE at Adamson na magdedesisyon kung papasok ba sila sa Final Four at makakakuha ng twice-to- beat advantage.

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO

ATKINS

COACH DINDO

DINDO PUMAREN

FINAL FOUR

PLAYER OF THE WEEK

RYAN BUENAFE

SI BUENAFE

SIMON ATKINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with