^

PSN Palaro

Lady Falcons tinalo ang Pirates, sa semis na

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Matapos ang kanilang 2-2 na panimula, pinahaba ng Adamson ang kanilang winning streak anim na la­ro matapos padapain ang Lyceum kamakalawa ng gabi sa quarterfinals ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Kinabig ng Lady Falcons ang kanilang ikawalong panalo sa 10 laro sa loob ng tatlong sets, 25-15, 25-19 at 25-17 upang sundan ang yapak ng San Sebastian at selyuhan ang kanilang upuan sa semis ng premyadong liga ng bansa.

Nanguna sa tagumpay ng Minerva Dulce Pante-coached squad sila mainstay Angela Benting na tu­mapos ng mayroong 16 puntos at dating MVP Nerissa Bautista na naglista ng 15 habang nagdagdag naman si Mic Mic Laborte ng sampu at may pinagsalong 22 sina Pau Soriano, Gail Martin at Lourdes Patilano.

Binanderahan ni guest player Dahlia Cruz ang Muralla-based spikers na mayroong 13 puntos habang nalimitahan lamang sa 11 si Mary Jean Balse na nagtala ng season-high 37 points noong Huwebes laban sa Ateneo.

Ang tagumpay na ito ang nagbigay sa Adamson ng puwesto para sa pa­parating na semifinals round ng season-ending conference ng naturang liga kasama ang San Sebastian na kahalintulad nila ay may 8-2 win-loss slate rin. 

vuukle comment

ADAMSON

ANGELA BENTING

DAHLIA CRUZ

GAIL MARTIN

LADY FALCONS

LOURDES PATILANO

MARY JEAN BALSE

MIC MIC LABORTE

MINERVA DULCE PANTE

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with