^

PSN Palaro

Semis ticket hangad ng Treston at Taguig

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipasok na ang sarili sa semifinals ang pakay ngayon ng Treston Laguna at Taguig sa pagbubukas ng Tournament of the Philippines (TOP) quarterfinal round ngayon sa Cong. Jun Duenas Gym sa Taguig City.

Kailangan lamang ng Stallions at host Taguig na manalo ngayon laban sa mga katunggaling Cobra Energy Drink at Ascof Lagundi dahil taglay nila ang ‘twice-to-beat’ advantage nang tapusin ang siyam na yugtong eliminasyon sa ikatlo at ikaapat na puwesto.

Ang M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu at Misamis Oriental ang siyang umokupa sa unang dalawang puwesto at makakaharap naman ang MP Gensan at Ani-FCA sa unang yugto ng Playoffs.

Patok ang Laguna at Taguig dahil angat sila sa kanilang head to head laban sa Ironmen at Cough Busters.

Nakadalawang sunod ang Stallions sa Cobra.

Tatlo naman sa apat na pagtutuos ang kinuha ng Taguig sa Ascof.

Ngunit dahil nakataya ang kanilang kampanya sa ligang pinagtulungang inorganisa ng Philippine Basketball League at Liga Pilipinas, kung kaya’t makakaasang gagawin ng lahat ng manlalaro ng Cobra at Ascof na manalo para maihirit ang do-or-die rubbermatch.

Ang Ironmen ang natatanging koponan na tumalo sa Cebu at MisOr nang mapagharian ang second at seventh leg ng eliminasyon para maipakita na palaban ang koponang minamandohan nina Pari Llagas, Val Acuna at Elmer Espiritu, mga dating naglaro para sa UE Red Warriors.

vuukle comment

ANG IRONMEN

ANG M

ASCOF

ASCOF LAGUNDI

COUGH BUSTERS

ELMER ESPIRITU

JUN DUENAS GYM

LHUILLIER KWARTA PADALA-CEBU

LIGA PILIPINAS

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with