Margarito babagsak agad kay Pacquiao - Khan

MANILA, Philippines - Magiging madaling kalaban ni Manny Pacquiao si Antonio Margarito.

Ito ang paniniwala ni Amir Khan na nakakasama ni Pacquiao sa pagsasa­nay sa Wild Card Gym na pag-aari ni Freddie Roach.

Ayon kay Khan, totoong malaki si Margarito pero ito lamang ang kanyang maipagmamalaki laban sa Pambansang kamao ka­pag nagkita sa ring sa Nobyembre 13.

“I have seen Manny knockout bigger boxers while in sparring. Manny has power and speed over Margarito,” wika pa ni Khan.

Maging si Freddie Roach ay nakikita ang isa pang KO na tagumpay para kay Pacquiao sa la­bang handog ng Top Rank.

“We will knock him out,” matipid pero may paniniyak na pahayag ni Roach.

 Ang labang ito ay para sa bakanteng WBC light middleweight division at kung mananaig nga si Pacman ay makukuha nito ang ikawalong world title sa magkakaibang dibisyon.

 Sa ngayon ay hindi pa pirmado ang kontrata ng laban dahil may mga inihahabol si Pacquiao sa nilalaman ng kontrata tulad ng dagdag sa kanyang guaranteed prize.

Pero ang ibang aspe­to sa laban ay nabubuo na tulad ng lugar na pagdarausan ng laban na halos nakakatitiyak na sa Cowboy’s Stadium sa Texas.

Nagkausap na sina Arum at ang may-ari ng Dallas Cowboys na si Jerry Jones nitong Miyerkules at matapos ang usapan ay naibulalas ni Arum na sa susunod na linggo ay maipopormalisa na ang kasunduan ng magkabi­lang panig.

Ang 31-anyos na si Pac­quiao ay sasalang sa ikalawang laban sa taong ito at una niyang hiniya si Joshua Clottey sa unanimous decision panalo sa Cowboy’s Stadium para sa matagumpay na pagdepensa sa hawak na WBO welterweight division.

Ikalawang laban din ito ni Margarito at papasok din siya mula sa panalo nang kanyang kunin din ang isang unanimous decision matapos ang 10 rounds si Roberto Garcia nitong Mayo 8.

Unang laban ito ni Margarito matapos mapatawan ng isang taong suspension nang mapatunayan na gu­mamit ng illegal na bagay na nagpatigas sa kanyang hand wraps nang kinalaban at natalo kay Sugar Sha­ne Mosley noong Ene­ro 24, 2009.     

Show comments