^

PSN Palaro

RP may pag-asa kay Leviste sa gold sa Asiad

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - May aasahan ang Pilipinas kay Toni Le­viste kung pag-ani ng medalya sa Asian Games ang pag-uusapan.

Kinumpleto ni Leviste ang magandang ipinakita sa Malaysia nang kunin ang kam­peonato sa Dressage Champions League na bahagi ng 2010 Merdeka Masters na ginanap kamakailan sa 3Q Equestrian Cen­ter sa Kwang, Malaysia.

Bihasa sa paglahok sa mga show jum­ping events, naipakita ni Leviste na pu­wede rin siyang kuminang sa dressage lalo na kung mahusay din ang kabayong sakay nang hiyain ang 2006 Dressage silver medalist Qabil Ambak para sa pa­ngu­nguna sa torneo.

Itinambal kay FAB na isang 16-anyos Dutch bred na kabayo na pag-aari ni Carissa Coscolluela at nahirang din bilang grand prix dressage horse, nakalikom ang pambato ng bansa ng 66.75% upang talunin si Ambak na mayroong 65.34%.

Ang panalong ito ni Leviste ay nangyari matapos kunin ang pangunguna sa Malaysian Open show jumping competition sa tulong naman ng kanyang 19-anyos Swedish Warmblood mare Globe Platinum Just Jewels.

Pero ang nasabing kabayo ay nagkaroon ng tendon injury dahilan upang iretiro na ito ni Leviste sa paglahok pero nakasali pa siya sa dressage event dala ng kabayo ni Coscolleula.

Ang tagumpay na ito ni Leviste ay ma­ituturing na magandang pangitain sa Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre lalo nga’t ang Sydney Olympian ay kabilang sa mga naitala bilang posibleng kalahon ng Equestrian Association of the Philippines (EAP) sa pamumuno ni Jose Cojuangco Jr. 

vuukle comment

ASIAN GAMES

CARISSA COSCOLLUELA

DRESSAGE CHAMPIONS LEAGUE

EQUESTRIAN ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

EQUESTRIAN CEN

GLOBE PLATINUM JUST JEWELS

JOSE COJUANGCO JR.

LEVISTE

MALAYSIAN OPEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with